PANGASINAN PNP NAGSAGAWA NG MORAL RECOVERY PROGRAM PARA SA MGA PULIS

Nagsagawa ng Moral Recovery Program ang Pangasinan Police Provincial Office kahapon bilang bahagi ng internal na aktibidad para sa kanilang mga tauhan.

Layunin ng programa na magbigay ng espasyo para sa pagninilay at talakayan tungkol sa mga pagpapahalagang moral, pananampalataya at tamang asal na may kaugnayan sa personal na buhay at sa pagsasagawa ng tungkulin sa serbisyo publiko.

Isa sa mga aktibidad ang pagbabahagi ng mga aral mula sa Bibliya.

Ayon sa pamunuan ng Pangasinan PNP, ang programa ay bahagi ng patuloy na paalala sa mga pulis sa kahalagahan ng integridad at wastong asal sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Patuloy umanong isinasagawa ang mga ganitong programa bilang bahagi ng internal measures ng ahensya para sa disiplina at kamalayan ng mga kawani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments