Thursday, February 19, 2026

PANGASINAN PNP, NAGSAGAWA NG TURNOVER OF COMMAND SA BUGALLON AT LABRADOR POLICE STATION

Nagsagawa ng turnover of command ang Pangasinan Police Provincial Office para sa mga police station ng Bugallon at Labrador sa ginanap na seremonya noong Pebrero 18, 2026.

Sa naturang programa, pormal na ipinasa ng mga dating hepe ang kanilang tungkulin at sabay namang umupo ang mga itinalagang Officer-in-Charge ng dalawang himpilan.

Isinagawa rin ang pagbasa ng mga kaukulang termination at designation orders, gayundin ang turnover ng mga simbolo ng tanggapan at imbentaryo ng mga ari-arian.

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, layunin ng naturang aktibidad na matiyak ang maayos na paglipat ng pamumuno sa dalawang police station upang magpatuloy ang operasyon at serbisyo sa komunidad.

Facebook Comments