PANGASINAN PNP, PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA SA ELEKSYON

Puspusan ang isinasagawang paghahanda ng pulisya ng Pangasinan kaugnay sa nalalapit na election period na magsisimula sa 12 ng Enero.

Sa pantongtongan tayo ng PIA Pangasinan, inilahad ni PLt.Trisha Mae Guzman, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, nagsagawa na ng Provincial Joint Security Control Center ang mga ito kasama ang AFP, at COMELEC noon pa lamang December 23, 2024 kung saan tinalakay ang mga programang ipapatupad na halalan sa Mayo.

Dagdag pa riyan ang activation ng Provincial Election Monitoring Action Center noong 6 ng Enero.

Pinaigting na rin ang isinasagawang checkpoints sa mga lansangan at pagpapatrolya sa kakalsadahan.

Sa darating na linggo ipapatupad ang gun ban sa buong bansa dahil sa nalalapit na eleksyon.

Paalala ng pambansang pulisya, ipagbigay alam sa pinakamalapit na police station ang anomang kahina-hinalang Gawain sa kanilang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments