Thursday, March 19, 2026

PANGASINAN POLICE, PINAIGTING ANG PAGHAHANDA PARA SA SEGURIDAD SA CENTENNIAL CANONICAL CORONATION NG OUR LADY OF MANAOAG

Pinaigting ng Pangasinan Police ang kanilang paghahanda upang matiyak ang seguridad sa nalalapit na Centennial Canonical Coronation ng Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Isinagawa ang isang pagpupulong sa pagitan ng Pangasinan Police Provincial Office at lokal na pamahalaan ng Manaoag upang pag-usapan ang komprehensibong plano sa seguridad para sa nasabing okasyon.

Tinalakay sa pulong ang inaasahang pagdagsa ng mga deboto, peregrino, at turista sa bayan, dahilan upang pagtuunan ng pansin ang mas pinaigting na deployment ng mga pulis, pagpapatupad ng traffic management, crowd control measures, at pinalakas na koordinasyon sa iba’t ibang ahensya.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos at sabayang pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad upang matiyak ang mapayapa at maayos na daloy ng mga aktibidad sa buong selebrasyon.

Tiniyak naman ng kapulisan ang kanilang kahandaan at patuloy na pagbibigay ng sapat na seguridad at serbisyo publiko sa buong panahon ng pagdiriwang.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang masiguro ang ligtas at maayos na pagdaraos ng isa sa pinakamalaking pagtitipong panrelihiyon sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments