PANGASINAN, POSIBLENG HATIIN SA 8 DISTRITO SA ILALIM NG HOUSE BILL 5133

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 5133 na naglalayong hatiin ang lalawigan ng Pangasinan mula sa kasalukuyang anim (6) na distrito tungo sa walong (8) legislative districts.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa mahigit 3.2 milyong katao ang populasyon ng lalawigan, dahilan upang itulak ang panukalang ito para sa mas patas na representasyon at mas epektibong paghahatid ng mga serbisyo publiko.

Layon ng panukala na mas maiparating ang boses ng bawat Pangasinense sa Kongreso at matiyak ang pantay na atensyon at alokasyon ng pondo para sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Sa ilalim ng HB 5133, inaayos ang komposisyon ng mga bagong distrito batay sa laki ng populasyon at heograpikal na lokasyon upang maging mas organisado ang pamamahala.

Sa kasalukuyan, nananatili pa sa antas ng komite ang House Bill 5133 matapos ang First Reading.

Itinuturing ito bilang isang hakbang tungo sa mas inklusibo at progresibong Pangasinan

Facebook Comments