PANGASINAN PPO, IPINAALALA ANG MAHIGPIT NA PANUNTUNAN SA PAGSASAGAWA NG RALLY

Muling nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunang dapat sundin sa mga rally at pampublikong pagtitipon upang mapanatili ang kaayusan at seguridad.

Ayon sa Pangasinan PPO, ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng armas o mapanganib na bagay, paninira ng ari-arian, at anumang kilos na maaaring magdulot ng kaguluhan.

Binigyang-diin din na hindi dapat isama ang mga menor de edad sa ganitong aktibidad kung walang sapat na gabay.

Layunin ng pagpapatupad ng mga patakarang ito na matiyak ang maayos, mapayapa, at ligtas na pagdaraos ng anumang rally o publikong pagtitipon.
Hinihikayat ng kapulisan ang publiko na makiisa at sumunod sa mga regulasyong nakasaad sa batas upang maiwasan ang anumang insidente o kaguluhan.

Facebook Comments