PANGASINAN PPO, ITINANGGI ANG UMANO’Y; GOODWILL COLLECTION” MULA SA MGA PERYAHAN OPERATORS

Mariing pinabulaanan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang kumakalat na alegasyon sa social media na umano’y nangongolekta ng “30K goodwill” at lingguhang bayad mula sa mga operator ng peryahan gamit ang pangalan ng Provincial Director.

Ayon sa PPPO, walang anumang direktiba, utos, o aktibidad na nagpapahintulot sa sinumang tauhan na mangolekta ng pera mula sa mga operator ng peryahan o anumang pribadong grupo.

Binigyang-diin ng tanggapan na hindi kailanman gumagawa ang PNP ng extortion, ilegal na paniningil, o pakikialam sa ilegal na pasugalan.

Iniulat din ng PPPO na iniutos na ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) upang tukuyin ang pinagmulan at layunin ng naturang akusasyon.

Sakaling mapatunayang may sinumang indibidwal, unipormado man o sibilyan, na gumamit ng pangalan ng opisina para sa ilegal na gawain, agad itong kakasuhan ng administratibo at kriminal.

Hinikayat ng PPPO ang publiko na mag-ingat sa pagkalat ng hindi beripikadong impormasyon at dumulog lamang sa kanilang opisyal na communication lines at verified social media accounts para sa tamang detalye.

Tiniyak ng tanggapan na patuloy silang nakatuon sa integridad, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod sa mamamayan ng Pangasinan.

Facebook Comments