PANGASINAN PPO, KINONDENA ANG PAMAMASLANG SA ISANG BABAE NA INIWAN SA IRIGASYON SA BUGALLON; PERSON OF INTEREST SA KRIMEN, TINUTUTUKAN

Kinondena ng Pangasinan Police Provincial Office ang pamamaslang sa isang 20 anyos na babae na iniwan sa isang irigasyon sa Brgy. San Francisco, Bugallon, Pangasinan.

Sa opisyal na pahayag ng tanggapan, tiniyak ni Provincial Director PCol Rollyfer Capoquian ang malalimang imbestigasyon upang matukoy na ang suspek sa insidente.

Samantala, sa panayam ng IFM News Dagupan sa Bugallon Police Station, mayroon nang person of interest sa karumal dumal na krimen.

Inaasahan na sa mga susunod na imbestigasyon ay matutukoy na ang pagkakakilanlan ng suspek.

Ayon naman sa Kapitan ng barangay kung saan natagpuan ang katawan ng biktima, bihira umano na may dumadaan dahil sa kakulangan ng pailaw sa lugar.

Wala rin umanong napansin ang mga saksi na magsasaka na kahina-hinalang indibidwal nang matagpuan ang katawan ng biktima Bandang alas nwebe ng gabi ng April 25.

Sa ngayon, nakumpirma na ng pamilya ang katawan ng biktima at napag-alaman na residente rin ito ng Bugallon.

Hinikayat ng awtoridad ang kooperasyon ng publiko na may impormasyon sa krimen upang tuluyan nang matuldukan ang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments