Inilahad ng Pangasinan Police Provincial Office na mayroon ng persons of interest sa pagpatay kay Umingan Councilor Ponciano Onia Jr.
Sa pahayag ni Public Information Officer PCapt. Renan Dela Cruz, nais ng tanggapan na maaresto hindi lamang ang bumaril sa konsehal ngunit maging ang mga posibleng kasabwat nito sa krimen.
Dagdag ng opisyal, tinutukoy ng SITG Onia ang posibleng ruta na tinahak at pinagmulan ng suspek sa pananambang at koneksyon nito sa mga naunang transaksyon ng konsehal.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ang ugnayan ng pamamaril sa politika, negosyo at iba pang organisasyon na kinabibilangan ni Onia.
Patuloy ang isinasagawang follow-up operation sa mga kakilala, katrabaho at maging text messages ng konsehal na maaring magturo sa suspek.
Tiniyak ni Dela Cruz na isolated case ang naturang insidente ng pamamaril at tinututukan ang kaso upang maibigay ang hustisya sa naiwang pamilya ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨