PANGASINAN PPO, MULING NAGBABALA LABAN SA PAGGAMIT NG BARIL SA BAGONG TAON

Muling nagpapaalala ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa publiko na mahigpit ang parusa sa sinumang gagamit ng baril sa pagdiriwang ng bagong taon.

Ayon sa ahensya, ang mga lumalabag sa batas ay maaaring masentensiyahan alinsunod sa Republic Act No. 11926, na nagbabawal sa pagpapaputok ng baril kahit walang intensiyon na manakit o magdulot ng pinsala.

Kasama rin sa ipinagbabawal ang sinadyang pagpapaputok sa mga pampublikong lugar na maaaring magdulot ng panganib o pagkabahala sa publiko, kabilang ang celebratory firing.

Binigyang-diin ng Pangasinan PPO na ang paalalang ito ay naglalayong mapanatili ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang trahedya sa pagsalubong ng bagong taon.

Muling pinayuhan ang publiko na ipagdiwang ang okasyon nang responsable at ligtas, nang walang paggamit ng baril.

Facebook Comments