PANGASINAN PPO, NAGBIGAY PAALALA UKOL SA MGA PAPUTOK NGAYONG HOLIDAY SEASON

Nagbigay paala ang Pangasinan PPO ukol sa mga paputok na maaaring gamitin at mga ipinagbabawal sa nalalapit na pagdiriwang sa bagong taon.
Inilatag ang mga prohibited firecrackers o mga ipinagbabawal na mga paputok tulad na lamang ng Giant Bawang, Giant Whistle Bomb, Large Size Judas Belt, Goodbye Napoles, Goodbye Philippines, Bin Laden, Boga at marami pang iba.
Nilinaw din ang mga maaaring gamitin na mga paputok sa ilalim ng IRR 7183 at EO 28 gaya ng Baby Rocket, Paper Caps, Sky Rocket, at iba pa.

Maaari rin ang mga pyrotechnic devices tulad ng Butterfly, Fountain, Mabuhay, at Sparklers.
Para naman sa kumpletong listahan ng mga bawal at maaaring bilhin mga paputok, magtungo sa kanilang social media page – Pangasinan PPO. |ifmnews
Facebook Comments