PANGASINAN PPO, NAGLABAS NG LISTAHAN NG MGA LEGAL NA PAPUTOK

Naglabas ng listahan ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ng mga legal at ligtas gamitin na paputok kasunod ng inaasahang paglipana ng naturang produkto ngayong holiday season.

Ayon sa PPO, tanging ang mga sumusunod na firecrackers at pyrotechnic ang legal na maibebenta at gamitin, tulad ng Baby Rocket, Bawang, El Diablo, Judas’ Belt, Paper Caps, Pulling of Strings, Skyrocket, Small Triangulo.

Anumang paputok na hindi oversized, hindi overweight, at hindi imported finished products ay nangangahulugan ng kaukulang pagtalima sa legal na powder limit.

Legal din ang mga produkto na ibinebenta sa mga itinalagang firecracker zones dahil sa mga alituntunin na ibinababa ng awtoridad ukol sa safety labelling.

Pinaalalahanan ng PPO ang publiko na maging maingat at sumunod sa batas upang maiwasan ang anumang aksidente o pinsala sa kabila ng kasiyahan.

Nanawagan din ang kapulisan na isangguni ang anumang ilegal na pagbebenta o paggamit ng paputok upang masawata nang hindi na makapaminsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments