PANGASINAN PPO, NAGLUNSAD NG ANTI-FAKE NEWS COMMITTEE

Upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon, nagtatag ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ng Anti-Fake News Action Committee.

Ayon kay PPO Director Col. Rollyfer Capoquian, layunin ng grupo na maglabas ng beripikadong impormasyon kapalit ng mga kumakalat na pekeng balita.

Hinimok din ni Capoquian ang mga biktima ng fake news na magsumbong sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya para sa agarang aksyon.

Iginiit ng Pambansang pulisya na ito ay tawag sa tungkulin upang patuloy na protektahan ang demokrasya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments