PANGASINAN PPO, NAGPAALALA SA MGA MOTORISTS UKOL SA ROAD SAFETY

Muling pinaalalahanan ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang lahat ng motorista na suriin hindi lamang ang kanilang mga sasakyan bago magmaneho kundi maging ang kanilang katawan at isipan upang maiwasan ang mga aksidente sa sasakyan.
Hinikayat ni PMAJ Ria Tacderan, provincial information officer ng Pangasinan PPO, lahat ng motoristang bumibiyahe sa malalayong lugar, lalo na ang mga gumagamit ng sariling sasakyan na mag-ingat at mag-obserba ng road safety ngayong long holiday weekend.
Sinabi niya na ang mga motorista ay dapat laging maging kalmado habang nagmamaneho, palaging ring sumunod sa mga patakaran sa trapiko at mga limitasyon ng bilis, at dapat magkaroon ng sapat na pahinga at nasa mabuting kondisyon bago pumunta sa isang mahabang biyahe.

Pinaalalahanan din ni Tacderan ang mga motorista na huwag magmaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak o hindi emotionally and mentally conditioned para magmaneho.
Samantala, sinabi ni Tacderan na ang mga tauhan ng pulisya sa lalawigan ay nagbibigay din ng road safety services sa mga bumabyahe ngayong long holiday weekend habang tinitiyak ng Pangasinan PPO ang maximum deployment sa mga lugar ng convergence para sa ligtas at secure na pagsalubong sa Bagong Taon sa lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments