
Nakiisa sa paggunita ng Ash Wednesday ang mga tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office sa ginanap na Misa sa Provincial Training and Development Center, Capitol Compound, Lingayen, Pangasinan noong Pebrero 18, 2026.
Isimaga bilang pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma—isang sagradong panahon ng panalangin, pag-aayuno, pagsisisi, at espiritwal na pagbabagong-loob.
Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Most Rev. Fidelis Layog ang kahalagahan ng kababaang-loob, pagmumuni-muni, at taos-pusong pagbabalik-loob bilang simbolo ng paglalagay ng abo sa noo.
Ayon sa PPO, ang pakikilahok ng mga personnel sa Misa ay bahagi ng kanilang pagsasanay hindi lamang sa propesyonalismo kundi pati na rin sa moral at espiritwal na pag-unlad.
Facebook Comments










