Nanawagan ng responsableng pagkilos ang Pangasinan Police Provincial Office kaugnay ng kumakalat na social media post hinggil sa umano’y insidente ng bullying na naganap sa Narvacan, Ilocos Sur kamakailan.
Sa inilabas na pahayag, mariing kinondena ng tanggapan ang anumang anyo ng karahasan laban sa mga bata at iginiit na hindi dapat pinalalagpas ang mga gawaing naglalagay sa panganib sa kaligtasan at dignidad ng mga menor de edad.
Bagama’t sa labas ng Pangasinan nangyari ang insidente, nagpahayag ang kapulisan ng suporta sa mga kinauukulang awtoridad at hinikayat ang publiko na maging maingat at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon sa online platforms upang maiwasan ang pagkalat ng mali o hindi beripikadong ulat.
Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng mga magulang, guro, at komunidad sa pagpigil sa bullying at sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa kabataan.
Facebook Comments










