Nananawagan ang Pangasinan Police Provincial Office sa mga kumakandidato, mga supporters at sa publiko ng katahimikan at kapayapaan ngayong araw ng halalan.
Ani Provincial Director PCOL Rollyfer Capoquian, ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa umiiral na mga batas, at pagsangguni ng mga kahina-hinalang pangyayari.
Ito ay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat Pangasinense hanggang sa matapos ang eleksyon, sa kabila ng ilang naitalang mga kaguluhan sa lalawigan.
Mas paiigtingin din ang pagbabantay lalo ngayong eleksyon, sa pagtatapos nito, maging sa opisyal na pagbibilang at proklamasyon ng mga nanalong kandidato.
Tiniyak ng himpilan ang presensya ng mga kapulisan upang maidaos ang ligtas at mapayapang election period.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments