
Matagumpay at mapayapang naisagawa ang pagbisita ni DPWH Secretary Vivencio B. Dizon sa Lingayen, Pangasinan noong Marso 23, 2026, na walang naitalang insidente, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.
Tiniyak ng Pangasinan PPO sa pamumuno ni PCOL Arbel C. Mercullo ang mahigpit na seguridad sa mga lugar na pinuntahan, kabilang ang Barangay Poblacion at Barangay Pangapisan North sa Lingayen at maging sa bayan ng Agno.
Dumalo naman si Congressman Mark O. Cojuangco bilang kinatawan ng ikalawang distrito, gayundin si Congressman Art Celeste ng unang distrito.
Personal ding pinangasiwaan ng mga opisyal ng pulisya ang deployment upang matiyak ang maayos na daloy ng aktibidad.
Sinuri sa pagbisita ang ilang proyektong pang-imprastraktura tulad ng Alaypa Flood Gate at Limahong Channel.
Ipinakita naman ng maayos na koordinasyon ng mga ahensya ang kahandaan ng kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa mga ganitong aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










