Pinaghahandaan na ng Pangasinan Police Provincial Office ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa nalalapit na Holy week o Semana Santa.
Ayon kay Provincial Director Col. Rollyfer Capoquian, magtatalaga ng kapulisan sa mga lugar na kadalasang dinadagsa partikular sa mga simbahan at ilan pang pook-pasyalan upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat bisita.
Posible rin na doblehin ang mga personnel na tututok sa mga tourist attractions sa lalawigan tulad ng mga baybayin na inaasahang dadagsain ng mga turista upang mapanatili ang matiwasay na paggunita sa Semana Santa.
Patuloy na paalala ng tanggapan na laging maging alisto at mapagmatyag sa paligid upang hindi mabiktima ng mga kawatan sa kahit anong oras. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments