Nagbigay ng panibagong karangalan sa lalawigan ng Pangasinan ang dalawang kabataang Pangasinense matapos makapasok sa Top 10 ng katatapos lamang na 2025 Philippine Nurse Licensure Examination (PNLE).
Kinilala si Royce Mark C. Ibasan, RN, mula sa Pangasinan State University – Bayambang, na nagtala ng mataas na marka at nakamit ang Top 9 na may rating na 98.81%.
Bukod sa kanya, nakapasok rin sa hanay ng nangungunang topnotchers si Ms. Maricris B. Aguilar, mula sa Lyceum Northwestern University – Dagupan, na nagtala ng 92% rating at secured ang Top 10 ranking sa naturang eksaminasyon.
Ipinahayag ng dalawang paaralan ang lubos na pasasalamat at pagmamalaki sa tagumpay nina Ibasan at Aguilar, na anila’y malinaw na patunay ng mataas na kalidad ng edukasyon at masusing pagsasanay na ibinibigay ng kanilang mga institusyon.
Samantala, bumuhos din ang pagbati online mula sa mga Pangasinense, dahil nagsisilbing inspirasyon ang dalawang nurse sa mga susunod na henerasyon ng mga mag-aaral at future nurses.
Mula sa IFM Dagupan, Congratulations sa tagumpay ng mga bagong nurse mula sa Pangasinan!









