Bagamat bumaba ang kaso ng Dengue sa lalawigan ng Pangasinan nakatutok ang Provincial Health Office sa ilang mga lugar sa Pangasinan kaugnay sa mga Water Borne Disease lalo na ang Dengue.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman, sinabi nito na mas mababa ng 32% ang kaso ng Dengue ngayong taon.
Sa huling monitoring ng PHO, nasa 1,425 ang kaso ng Dengue sa Pangasinan habang labing dalawa ang namatay dahil sa sakit na ito.
Pinakabata sa mga namatay ay isang walong taong gulang na bata mula Bugallon.
Maliban sa Bugallon ay kasama sa binabantayan ang limang lugar kagaya ng Bayambang, Balungao, Umingan at San Carlos City.
Noong nakalipas na taon ay may 2,099 ang naitalang kaso ng Dengue Habang lima ang namatay. |ifmnews
Facebook Comments