Target pang mas makilala ang Pangasinan State University sa iba’t ibang larangan pang-akademiko kaya’t patuloy ito sa pagpapausbong ng kaalaman pang akademiko.
Sa ginanap na ika-7 international conference ng Language Society of the Philippines sa Pangasinan State University sa bayan ng Lingayen, inilahad ni PSU President Dr. Elbert Galas ang rason kung bakit niya tinanggap ang pagiging host ng unibersidad ngayong taon.
Aniya, isa itong pamamaraan para maitaas ang rankings ng unibersidad sa buong mundo. Sa pamamagitan umano ng ganitong kaganapan, mas mabibigyan ng oportunidad ang mga estudyante.
Aniya pa, patuloy rin ang kanilang ginagawang pagsisikap upang mabigyan ng kalidad ng edukasyon ang mga PSUnians.
Ang ginaganap na LSPIC sa Lingayen ay dinaluhan ng 78 Higher Education Institutions sa loob at labas ng bansang Pilipinas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









