Suportado ng Pangasinan Tourism Office ang bagong slogan ng Department of Tourism na Love the Philippines na inilunsad ng ahensiya nitong martes. Ayon sa pahayag ni Maria Luisa Elduayan, ang Provincial Tourism Officer ng Pangasinan na ito ay hindi na bago sa lalawigan dahil minsan ng naging bahagi ang salitang love na naging minsang bahagi na ng provincial slogan.
Sa kasalukuyan iba’t ibang proyekto at programa ang inilulunsad at isinasagawa ng provincial government ng Pangasinan upang pagyabungin pa ang kultura, pag-promote ng tourism sites ng probinsya, at pagsuporta sa mga lokal na mga produkto.
Binigyan diin ni Elduayan ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng bagong brand campaign ng DOT na “Love the Philippines”, sa isip, salita, at gawa para makamit umano ang objectives nito na makakatulong sa turismo ng bansa.
Sa ngayon bagamat di pa tuluyang nakakabangon ang turismo sa probinsiya ay malugod namang ibinahagi ni Elduayan na tuloy tuloy ang pag-alalay ng provincial government sa industriya ng turismo. Sa katunayan umano ay maraming mga bagong umusbong na businesses sa sektor ng turismo sa lalawigan, bukod dito nariyan ang napipintong paglulunsad umano ang isang provincial museum at souvenir shops na makakatulong sa pagpapayabong ng local heritage at suporta sa lokal na mga produkto ng lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments