Bukas na ang isa sa mga ipinagmamalaking aktibidad ng probinsiya, ito ang Pangasinan Tourism Trade and Expo sa pagdiriwang ng ika-439 na Agew na Pangasinan sa Capitol Beachfront Lingayen Pangasinan.
Tampok dito ang mga lokal na produkto ng bawat bayan at siyudad sa Pangasinan mapa pagkain, gamit at iba pa na yari sa sining.
Isa sa mga nakilahok ang bayan ng Bugallon na nais ipakilala sa tao ang kanilang ipinagmamalaking wine na gawa sa duhat, bagoong alamang, at sari saring gulay. Kabilang ding ang probinsiya ng La Union na nagdala ng kanilang upuan na gawa sa ugat ng gmelina tree. Ang gmelina tree ay isang uri ng punongkahoy na dekalidad at mabilis tumubo. Hindi naman nagpahuli ang Caloocan at Laguna na dumayo upang ipagmalaki ang mga gawang printed shirts at ibat-ibang klase ng souvenirs.
Ang Pangasinan Tourism Trade and Expo ay magtatapos sa ikatlo ng Mayo.
*Contributed by
Cristine Joy Ambat
[image: 56389481_394448567806995_4433627274314514432_n.jpg]
Pangasinan Tourism Trade and Expo bukas na
Facebook Comments