Pangasinan tumanggap ng Seal of Good Local Governance, ilang bayan at siyudad pinarangalan din

Tinanggap ng provincial government ng Pangasinan at ng dalawampu’t tatlong (23) local government units (LGUs) sa lalawigan ang Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang Pangasinan ay isa sa limang probinsiya sa buong bansa na nakatanggap ng parangal mula noong taong 2015 hanggang sa kasalukuyan. Sa kabilang banda ay pinarangalan din sa municipal government category ang 21 municipalities sa kabuuan na 44 .

Ito ay ang Aguilar, Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Basista, Bayambang, Bugallon, Calasiao, Infanta, Lingayen, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Natividad, Rosales, San Manuel, San Quintin, Sta. Maria, Tayug at ng Urbiztondo. Dalawa ding siyudad ang pinarangalan at ito ay ang Alaminos City at San Carlos City.


Ang mga pinarangalan umano ay pasok base sa itinakdang mga alituntunin ng DILG upang mapabilang sa listahan ng Good Local Governance na tulad ng financial management, disaster preparedness, social protection at marami pang iba.

Ang SGLG awardees ay nakatanggap ng performance challenge fund bilang kanilang incentive.

Samantala hinimok ng ahensiya ang mga LGU sa buong bansa na mas pagbutihin pa ang pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan. PHOTO CREDIT: PROVINCE OF PANGASINAN

Facebook Comments