Tutukan ng Department of Health-Center for Health Development 1 (DOH-CHD1) ang probinsiya ng Pangasinan sa ikalawang round ng Bayanihan Bakunahan sa darating na December 15-17.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, DOH-CHD1 Information Officer, ang Pangasinan ang may maraming target sa vaccination kontra COVID-19 at ito rin ang pinakamaraming populasyon sa apat sa probinsiya sa Ilocos Region.
Dahil dito, itatalaga ng ahensya ang kanilang resources at kawani bilang tulong sa pagpapataas ng kanilang coverage.
Kumpara aniya sa tatlong probinsiya na nasa 100%-90% na ang vaccination coverage, ang Pangasinan ay nasa 71% o 1.4 milyong indibidwal ang nabigyan ng bakuna. | ifmnews
Facebook Comments