Hinihikayat ngayon ng Pangasinan Health Office ang mga Pangsinenses na makiisa sa isasagawang Mobile Blood Donation upang matulungan ang mga dengue patients at magkaroon ng sapat na dugo sa lalawigan.
Sa panyam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman ng PHO iikot ang Mobile Blood Donation sa mga barangay ng lalawigan at hinihingi nito ang kooperasyon ng bawat barangay officials na hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na magdonate ng dugo upang makatulong.
Bagamat malayo pa sa epidemic threshold ang lalawigan mas mabuti na umano na maagapan at maging handa ang mga Pangasinense.
Samantala, nasa 3, 127 na ang kaso ng dengue sa lalawigan at edad 5-9 ang may pinakaraming bilang na tinamaan ng dengue na nasa 681 na kaso.
Facebook Comments