Pangasinense hinikayat na magpabakuna kontra polio

Nanawagan ang Pangasinan Health Office sa mga magulang sa Pangasinan na protektahan ang kani kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagbabakuna laban sa sakit na polio na nagbabalik matapos ang halos dalawang dekada.
Ang Polio ay isang nakakahawang sakit na maaring mauwi sa pagkakaparalisa o pagkamatay ng pasyente.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman, PHO Officer , wala umanong dapat ipangamba sa polio vaccine dahil ito ay isang tradisyunal na pagpapabakuna o dati ng bakuna na wala umanong naitalang insidente na ito ay nakakasama at tiyak na ligtas sa mga bata.
Dagdag pa nito , Dapat umanong tangkilikin ang nasabing bakuna dahil maari umanong maapektuhan ang pagiging produktibo ng isang bata pagdating ng panahon sa pagtratratrabaho o paghahanap buhay na maging dahilan ng kahirapan.
Maalalang bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa na may kauganyan sa pangamba ng publiko sa anti dengue vaccine na Dengvacia.
Sa panayam ng IFM Dagupan, hinikayat ni De Guzman na magpunta ang mga ito sa barangay health center at pabakunahan ang mga bata dahil sapat ang bakuna para sa polio sa Pangasinan.
###

Facebook Comments