Pangasinense na sasabak sa Duathlon sa SEA Games, handa na

Handa na ang atletang Pangasinense na sasabak sa larong Duathlon Women’s Division sa SEA Games sa darating na ika-30 ng Nobyembre.
Si Jelsie De Vera, 20-taong gulang na tubong Mangatarem Pangasinan, nais na makauwi ng medalya mula sa SEA Games para sa mga Pangasinense.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay De Vera, inspirasyon niya ang kaniyang tiyuhin na siyang gumagabay at kasama sa pag eensayo sa nasabing kompetisyon.
Hiniling din ni De Vera na tigilan na ang pambabatikos sa mga pagkukulang ng mga organizer ng SEA Games kundi pagkakaisa at suporta na lamang ang ibigay sa mga atletang Pinoy.
Pinasalamatan din nito ang mga Pangasinense na sumusuporta sa kaniya lalo na ang mga taga Mangatarem.
Nasa Subic Zambales na si De Vera kasama ang iba pa nitong atleta na lalahok sa Duathlon.
###
Photo Credit: Jelsie De Vera

Facebook Comments