Nagkamit ng medalya ang dalawa sa representate ng Region 1 sa larangan ng Wrestling sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Ilocos Norte.
Nasungkit ni Prince Amir Ragos ng Cabaruan National High School, Urdaneta City ang gintong medalaya para sa 42kg category – Wrestling event.
Aniya, nagbunga umano ang tuloy-tuloy na pagsasanay nito para tuluyang makuha ang gintong medalya.
Ito ang pangalawang beses na pagsabak ni Ragos sa naturang larangan.
Nakamit naman ni Ernesto P. Pagaduan, mula rin sa Cabaruan National High School, Urdaneta City ang bronze medal sa Bronze Medal Match – 46 kg category.
Sakripisyo umano sa pagpapanatili ng timbang at puspusan sa training pati na rin ang suporta sa mga magulang ang naging motibasyon ni Pagaduan para makamit ang gintong medalya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









