PANGASINENSE, NASUNGKIT ANG KORONA BILANG MR. TOURISM AMBASSADOR INTERNATIONAL 2022

Isang pangasinenseng representate ng Pilipinas ang nakasungkit ng titulo bilang Mr. Tourism Ambassador International 2022 na si Juan Vicente Bangsoy sa katatapos na pageant sa Kota Kinabalu, Malaysia.
Hindi lang korona ang nasungkit ni Bangsoy, kundi na rin ang best costume.
Makikita sa costume na mala-palikpik ng isda ng kanyang kasuotan na may regalia na blue and gold materials na sumisimbolo sa pagkapanalo at tagumpay ng mga Pilipino.

Samantala, ikinararangal naman ng mga taga-Malasiqui na nagmula sa kanilang bayan ang representante ng Pilipinas at lubos na nagpapasalamat si Bangsoy sa mga kababayan na walang sawang sumusuporta sa kanyang sinalihang patimpalak. |ifmnews
Facebook Comments