PANGASINENSENG OFFICE SECRETARY NA NAGING FULL TIME VLOGGER, KILALANIN

Matunog ngayon ang isang Pangasinenseng Content Creator na si Apol Claveria o mas kilala bilang Ponsyana sa kanyang mga vlog na napapatungkol sa mga tips gaya ng kung paano magbalot ng pagkain mula sa handaan, at pag usapan ang mga chismosa gamit ang kanyang Pangasinan accent.
Si Ponsyana ay isang 24 years old vlogger na tubong Pangasinense, isa siyang office secretary subalit hindi maaalis sa kanyang passion ang pag vlovlog kaya naman sa ngayon ay kumikita na rin siya ng 6000 income hanggang sa 5digits ito.
Samantala, ang screen name niyang Ponsyana ay nangangahulugan laging nasa pagtitipon ng pagkain na siyang content nito palagi sa kanyang mga vlog.

Masaya naman si Ponsyana sa kanyang naging achievement, mula sa 15K followers hanggang sa naging 56K followers at target nitong maka 100K followers nang sa ganun ay marami pang siyang mapasaya habang kumikita sa vlogging. |ifmnews
Facebook Comments