Pangasinenseng OFW na mapapauwi dahil sa total deployment ban sa Kuwait, tutulungan ng PESO Pangasinan

Nakahanda ang Public Employment Service Office(PESO) Pangasinan na tumulong sa mga overseas Filipino Workers (OFW) na mawawalan ng trabaho dahil sa ipinatutupad na total deployment ban ng gobyerno laban sa Kuwait.
Sa panayam ng Ifm Dagupan kay Christopher Dioquino, PESO Pangasinan Immigrant Officer , nagpapatuloy ang koordinasyon ng mga ito sa mga ahensya at opisina ng pamahalaan gaya ng Overseas Workers Welfare at Philippine Overseas Employment Administration upang mamonitor ang mga OFW na tubong Pangasinan.
Sinabi niya na aabot sa pitong daang mga overseas Filipino Workers ang nasa Kuwait at nakatakdang umuwi. Dahil Dito magpapamahagi umano ang PESO Pangasinan ng pinansyal na tulong upang magamit sa pagsisimula ng kabuhayan.
Aabot ng 5,000-10,000 piso ang inisyal na makukuha ng mga ito sa ilalim ng local na pamahalaan.
Nakatakda ring magsagawa ng skills training ang ahensya para sa mga mapapauwing OFW’s upang makapagtrabaho sa mga local companies sa lalawigan.
Nanawagan naman ito sa mga pamilya ng OFW’s na undocumented na makipag ugnayan sa kanilang ahensya upang matulungan.

Facebook Comments