Isang pulis mula Urbiztondo, Pangasinan ang kinilala ng National Capital Region Police Office matapos mapabilang sa mga nasugatan sa sumiklab na riot sa Ayala Blvd. noong National Protest Day.
Si PAT Francis Mondero, ay isa sa mga itinalagang Civil Disturbance Management ng NCRPO at kabilang sa mga patuloy na umawat sa grupo ng mga kabataan na naging bayolente sa sana’y mapayapang pag-aaklas.
Iginawad ng tanggapan ang Medalya ng Sugatang Magiting o PNP Wounded Medal na sumasalamin sa pagiging propesyonal sa kabila ng peligro dahil sa pamamato, pagsusunog at pagwawala ng mga kabataang raliyista.
Sa naturang insidente, isang daang raliyista ang naaresto habang nasa 40 naman na pulis ang sugatan.
Samantala, iginiit ng Philippine National Police ang maximum tolerance upang mapanatili ang peace and order. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









