Muling nagningning ang Pilipinas sa international pageantry matapos koronahan si Nikki Buenafe bilang Miss Face of Beauty International 2025, na nagdala ng back-to-back win para sa bansa kasunod ng tagumpay ni Jeanne Isabelle Bilasano noong 2024.
Idinaos ang grand coronation sa Taichung, Taiwan kung saan umangat ang confident walk, advocacy, at Q&A answer ni Nikki sa 31 na iba pang kandidata.
Lubos ang tuwa sa kanyang hometown na Binmaley, na ipinagdiriwang ang panibagong karangalan na kaniyang dinala.
Ngayong nasungkit na ang korona, inaasahan ang kanyang aktibong partisipasyon sa international engagements at advocacy projects bilang bahagi ng kanyang tungkulin.
Isa itong malaking karangalan, hindi lang para sa Binmaley at Pangasinan kundi para sa Pilipinas, patunay na world-class ang ganda, talino, at puso ng mga Pilipina.









