PANGATLO | Pilipinas, nasa ikatlong pwesto sa mga bansang pinaka-apektado ng climate change

Manila, Philipines – Nasa pangatlong pwesto ang Pilipinas na maaring
pinaka-maapektuhan ng climate change base sa report ng HSBC.

Nanguna sa listahan ang India, pangalawa ang Pakistan, pang-apat ang
Bangladesh at sinundan ng Oman, Sri Lanka, Colombia, Mexico, Kenya at South
Africa.

Ang Finland, Sweden, Norway, Estonia at New Zealand naman ang limang bansa
na ‘least vulnerable’ sa climate change.


Nasa 67 mga bansa ang sinuri ng naturang bangko sa vulnerability pagdating
sa epektong dulot ng climate change.

Kasama rin sa sinuri ang pagiging sensitibo sa mga weather events, exposure
sa energy transition risks at abilidad na makatugon sa climate change.

Una ng naglabas ng ranking ang HSBC noong 2016 ngunit tanging ang 20
countries lamang ang kanilang nasuri.

Facebook Comments