Pangatlong Kaso ng COVID-19 sa Batanes, Naitala

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng isang panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Batanes na bumalik sa pagiging COVID-19 free ng ilang buwan, matapos gumaling ang dalawang naunang nagpositibo.

Ang pangatlong naitalang COVID-19 case ay isang 82 taong gulang na lalaki na residente ng brgy San Antonio, Basco, Batanes.

Siya ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Bacoor, Cavite kung saan agad itong isinailalim sa swab test nang makarating sa Batanes noong ika-siyam ng Disyembre at nagpositibo ito sa virus.


Kasalukuyan namang inoobserbahan ang nasabing positibo na naka-isolate sa isang resort sa Lalawigan.

Kaugnay nito, nagnegatibo naman sa virus ang kanyang tatlong kamag-anak na nakasabay nitong bumyahe pauwi sa kanilang probinsya.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing ang Health cluster para sa mga taong nakasalamuha ng pasyente.

Facebook Comments