Pangatlong suspek sa pangho-holdap sa isang estudyante sa UP Diliman, arestado na ng QCPD

Inanunsyo ni Quezon City Police District (QCPD)  Director BGen. Redrito Maranan na arestado na ang pangatlong suspek sa pangho-holdap sa isang estudyante sa University of the Philippines – Diliman noong Lunes ng gabi.

Ayon kay Maranan, kaninang umaga nang mahuli ang ikatlong suspek na isa ring menor de edad o 16 anyos na lalaki.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang tatlong suspek.


Ani Maranan, nabawi naman ang mga gamit na nakuha mula sa estudyante.

Inirekomenda na ng QCPD sa UP Diliman administration na magdagdag ng security personnel at maglagay ng dagdag na CCTV camera sa naturang campus.

Facebook Comments