PANGBABAKOD SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN SA SAN NICOLAS, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang proyektong pangbabakod sa mga pampublikong paaralan sa San Nicolas na may layuning matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

 

Kamakailan ay ininspeksyon ang bagong gawang bakod sa bahagi ng San Isidro National High School upang tiyakin na maayos at kalidad ang pagkakagawa kabilang pa ang mga paaralan na nauna nang nabakuran.

 

Mula sa Special Education Fund ng lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng proyekto.

 

Target na mabakuran ang lahat ng pampublikong paaralan sa bayan bukod pa sa iba pang programa at proyekto na laan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments