PANGKABUHAYANG HANDOG SA MGA KABABAIHANG RESIDENTE NG AGUILAR, IBINAHAGI

Matagumpay na nagtapos ang mga partisipanteng residente para sa programang Training Course on Massage, Manicure and Pedicure na inorganisa ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Layunin ng libreng pagsasanay na ito upang mabigyan ng karagdagdag kaalaman at kasanayan ang mga na nais magkaroon ng kabuhayan o trabaho na angkop sa training course na kanilang nilahukan.
Sa naturang programa ng lokal na pamahalaan ng Aguilar, tumanggap ng libreng kits ang mga trainees ba nagagamit nila at mas magiging epektibo ang kanilang pagsasanay sa hinaharap sakaling makapag-umpisa na sila sa pagtatrabaho.

Tinanggap ng mga residente ang isang sertipiko na ginagamit nila bilang patunay na sila ay nakilahok sa ganitong programa. |ifmnews
Facebook Comments