Panggagahasa Kay Lola, Bigo!

San Mariano, Isabela – Nadakip sa isinagawang hot pursuit operation and isang binatilyo matapos dakmain at tangkaing gahasahin ang isang lola na itinago sa pangalang Jane, limamput dalawang taong gulang, residente ng Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela at pawang kamag-anak ng suspek.

Kinilala ang binata na si Jan Jan Dela Pena, labing siyam na taong gulang, at residente rin ng nasabing lugar.

Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay PO2 Julie Ann Tion ng Women and Children Protection desk ng PNP San Mariano, bandang alas 9 ng gabi noong Enero 14, 2018 habang umiihi ang biktima sa tabi ng kanyang bahay ay laking gulat umano nito ng bigla siyang sunggaban at paghahalikan ng suspek.


Tinangka pa umano ng binata na gahasain ang biktima subalit dahil sa pagpupumiglas nito ay nagpagulong-gulong ang dalawa na siyang nakatawag pansin sa mga kapitbahay na agad namang sumaklolo.

Nakatakas ang suspek dahil sa madilim ang paligid subalit nadakip din sa kanilang bahay matapos i-report ng biktima ang pangyayari sa PNP San Mariano na agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation.

Kasalukuyang rehas na ang hinhimas ng suspek ngayon matapos naman itong sampahan ng kaso na tangkang panggagahasa.

Facebook Comments