Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang isang lalaking naaresto dahil sa pagpapanggap na ahente ng PDEA sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na su Carmelo Estondido, 38-anyos.
Ayon sa otoridad, nagpakilalang PDEA Agent si Estondido nang aarestuhin nila ito dahil sa mga kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016, kidnapping at failure to return minor sa ilalim ng Article 270 ng Revised Penal Code.
Pero nang beripikahin, wala sa listahan ng PDEA personnel ang suspek.
Dahil dito, karagdagang kaso ng Usurpation of Authority ang kinahaharap ngayon ni Estondido.
Depensa naman ng suspek, wala siyang sinabi na PDEA agent siya kundi galing sa PDEA IT Department.
Facebook Comments