PANGGAP | Mga review centers na nagpapanggap na CSC accredited, ibinabala ng Civil Service Commission

Manila, Philippines – Walang mga accredited review centers ang Civil Service Commission, ito ang sinabi ng ahensya makaraang makatanggap ng ulat kaugnay sa mga institusyon na di umano’y nagpapanggap na CSC accredited, lalo pa’t nalalapit na Civil Service Commission examination sa Marso.

Wala rin anilang mobile review application ang CSC na maaaring i-download upang magamit sa pagri-review.

Bagamat hindi pinipigilan ng ahensya ang publiko na pumasok sa mga review centers, hindi anila ito garantiya na makapapasa sila sa CSC exam.


Kaugnay nito, muling nagpaalala ng ahensya na ang deadline para sa CSC Exam application ay sa katapusan nitong buwan ng Enero.

Mahigit isang daang katao dumagsa sa QC Jail para dalawin ang kanilang mahal sa buhay sa unang araw ng 2018.

Facebook Comments