Panggigipit ng China Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda malapit sa Sabina Shoal, umani ng batikos mula sa mga kongresista

Mariing kinondena ng mga kongresistang bumubuo sa House Young Guns ang paggamit ng China Coast Guard ng water canon sa mga Pilipinong nangingisda malapit sa Sabina o Escada Shoal noong December 12 kung saan tatlo sa kanila ang nasugatan.

Giit nina Representatives Paolo Ortega V, Jefferson Khonghun, Zia Alonto Adiong, Rodge Gutierrez, at Ernix Dionisio ang nabanggit na hakbang ng China sa loob mismo ng exclusive economic zone ng Pilipinas ay may hatid na panganib sa ating mangingisda at sa kanilang kabuhayan.

Bunsod nito ay nananawagan ang House Young Guns sa international community na papanagutin ang China accountable sa patuloy nitong pagkakasa ng mararahas na aksyon partikular sa West Philippine Sea.

Nagpasalamat naman ang House Young Guns sa hindi matatawarang preofessionalism at dedikasyon ng Philippine Coast Guard sa pagsagip sa nabanggit na mga Pilipinong mangingisda sa kabila ng marahas na aksyon ng Chinese vessels.

Facebook Comments