Tinawag na “unprofessional maneuvers” ng US Embassy ang ginawang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal kamakailan.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, ang ginawang pananakot ng China sa barko ng Pilipinas ay isang uri ng iresponsableng gawain at kawalan ng respeto.
Isa rin anila itong uri ng pananakot sa seguridad at legal rights sa itinuturing nitong kaalyadong bansa.
Diin pa ng Embahada ng US, walang puwang sa mundo ang paggamit ng dahas sa anumang panahon.
Noong Hunyo 30, hinarang ng Chinese Coast Guard ang barko ng PCG habang patungo sa Ayungin Shoal.
Nagpadala rin daw ang China ng kanilang warship sa naturang karagatan, bagay na labis na ikinabahala ng PCG.
Facebook Comments