Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi kinukunsinte ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bayolenteng paguugali tulad ng pagbabanta sa mga Miyembro ng Media.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, matapos makarating sa kaya ang ilang balita na pagbabanta at pambubully sa ilang miyembro ng Malacanang Press Corps na mula umano sa ilang bloggers at supporter ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Andanar, ang kanyang tanggapan ang number 1 advocate ng Media Security at patunay lang dito ang pagkakatatag ng Presidential Task Force for Media Security na pinangungunahan ng isang dating mamamahayag na si Undersecretary Joel Egco.
Hinimok din naman ni Andanar ang mga mamamahayag o ang Media na nakatatanggap ng pagbabanta at panghihiya ay magsampa ng kaso at agad na lumapit kay Egco upang agad na maprotektahan at magawan ng nararapat na aksyon.
Pangha-harass sa mga mamamayahag hindi kukunsintihin ng Malacañang
Facebook Comments