Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang umano’y sexual assault na ginawa ng isang police officer at sibilyan sa isang babaeng lumabag sa quarantine sa Mariveles sa Bataan.
Ayon kay CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, maituturing itong paglabag sa kahinaan ng mga kababaihan sa gitna ng pandemya.
Batay sa ulat, marahas na sinabihan nina Patrolman Elmer Tuazon Jr. at Armando Dimaculangan ang babae sa isang control checkpoint sa Mariveles dahil hindi ito Authorized Person Outside of Residence (APOR).
Pero imbes na magcommunity service, dinala ng dalawa ang babae sa boarding house ng pulis at doon isinagawa ang kahalayan.
Sa ngayon, ipinag-utos na ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang malalimang imbestigasyon sa nangyari.
Facebook Comments