Suspendido ang panghapong on site face-to-face classes sa Batasan National High school sa Brgy. Batasan Hills.
Ito’y matapos na bulabugin ito ng bomb threat kaninang pasado alas-11:00 ng umaga.
May nag-post umano ng bomb threat sa Facebook page ng eskwelahan.
Agad naman na nagresponde ang Anti-Ordinance Division ng QCPD na agad sinuyod ang buong eskwelahan gamit ang bomb sniffing dog.
Nagnegatibo naman sa bomb threat ang eskwelahan kung kaya’t balik normal na ang sitwasyon.
Sa ngayon ay inilipat muna online classes ang mga naapektuhang klase gayundin ang panghapong klase sa Batasan National High School.
Facebook Comments