Panghihikayat sa mga hindi pa nababakunahang PWDs, puspusan nang ginagawa ng isang grupo sa buong bansa

Pursigido ang League of Persons with Disability Affairs Officers CPDAO) at PWD Focal Persons of the Philippines na tulungan ang gobyerno para mabakunahan ang lahat ng mga taong may kapansanan sa bansa.

Ayon kay PDAO National President Miriam Acosta Llanos, kumikilos na ang mga PDAO Regional Representatives nito para hikayatin ang mga PWD na magpaturok ng Anti-COVID-19 vaccine.

Sa ngayon aniya ay ang Region 13 pa lang ang nakapagtala ng mataas na porsiyento ng mga nabakunahang PWDs na abot sa 80%, sinundan ng MIMAROPA Region na may 60%.


Àng iba pang rehiyon tulad ng Region 4A ay nakapagtala pa lang ng 55%, Region 7, 9 at Cordillera Administrative Region ay mayroong 50% vaccination rate.

Paliwanag pa ni Llanos, kailangan pang paigtingin ang information drive para maipaintinde sa mga PWD ang kahalagahan ng bakuna.

Samantala, sa Zamboanga del Sur, isa sa mga paraan para mahikayat na magpabakuna ang PWDs ay ang pagbibigay sa kanila ng cash na P300, limang kilo ng bigas, canned goods at may pa-raffle na motorsiklo.

Facebook Comments