PANGHIHIMASOK | IPU, nakikialam na sa panloob na usapin ng Pilipinas

Manila, Philippines – Panghihimasok ang tingin ng Palasyo ng Malacañang sa planong pagsilip ng Inter-Parliamentary Union sa sinasabing political persecution sa mga kilalamg mambabatas na kritiko ng Administrasyong Duterte.

Sa inilabas na statement ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, itinuturing nilang pangingialam sa panloob na usapin ng Pilipinas ang hakbang na gagawin ng IPU.

Sinabi ni Panelo na walang layunin ang resolusyong nabuo ng Inter-Parliamentary Union o IPU sa ika- 139 na Assembly nito sa Geneva, Switzerland kundi ang ilagay sa masamang imahe ang Pilipinas at magsagawa ng isang one-sided evaluation.


Sinabi ni Panelo mas makabubuti kung iwasan na lamang ng IPU na maglabas ng anomang pahayag gayung umiiral naman ang justice system sa Pilipinas at ang anomang pahayag na posibleng ilabas ng Inter-Parliamentary ay baka maka-impluwensiya lang sa pasiya ng hukuman dito sa bansa.
Lumalabas lang tuloy aniya na ang nasabing organisasyon ng mga dayuhang parliamentarians ay hindi gumagalang sa justice system ng Pilipinas gayung lumalabas na may konklusyon na ito sa gitna ng paratang na biktima sina Senadora Leila de lima at Senador Antonio Trillanes ng political persecution.

Facebook Comments